Earn by just clicking ads. Click Neobux

Earn by just clicking. Click Neobux! Also try Onbux

Thursday, January 27, 2011

Anjan na kse pinalampas pa

Bakit naman kse pag crush mo talaga ang tao, di ka makakilos.
Kulang na lang kumaripas ka ng takbo pag nandyan sya pero pag wala naman sira ang araw mo. In the end mari realize mo na mali ang ginawa mo at laking sisi mo dahil sinayang mo ang pagkakataon na magkasolo kayo. Yosi break. Akala nya di ka talaga nagyoyosi, kesyo wala daw sa itsura mo. Ummmm. bakit apektado ka kung turn-off siya o hinde? Bakit conscious ka kung malakas ang kagat mo sa chicharon e talaga namang natural na crunchy yon. Crush mo nga kse...Lumipas ang mga araw, madalas na kayong nagkikita. Salamat sa mga bagong kasamahang nagsisilbing koneksyon nyo.Pero bakit ganun? Di mo pa rin maipahiwatig? Ramdam mo na rin namang di ka nya sesemplangin di ba? Hayyy, bakit nga naman nagre reincarnate pa si Maria Clara. Kung meron lang paaralang magtuturo ng teknik nang di naman sumabog ang dibdib mo nang patago.Humiling ka pa ng hint ke Lord na sa takdang petsa na ito, isang pahiwatig lang , magbibigay-motibo ka na rin. Sa sobrang busy mo, nakalimutan mo na, di mo namalayan me forwarded message pala. Minsan lang magbigay si Lord pinalampas mo pa, ayan tuloy nagsawa na siguro Siya. So ngayon, binabalik balikan mo na lang ang alaala na kung sana magiliw mong inabot  ang shawl na inihabol nya pa sa yo, halos magkandaipit-ipit na nga ang mama para lang maibigay sa yo tapos di ka man lang nagpasalamat. One time, nadatnan ka nya naghihintay sa lobby, tinanong nya kung sinong hinihintay mo, ang sabi mo, sabay kayong magsisimba ng kaibigan mo, mga isang oras pa bago dumating. Niyaya ka nya somewhere, bigla kang tumayo, ay neng mataranta daw ba? At ang sabi mo anjan na yung friend mo sa parking lot. Parang di yata tugma sa unang statement mo ah? Kung pwede lang manawagan sa magtatawas nung panahong yon di ba? Para tanggalin lang ang mamaw na nagpapakaba sa yo.
Delubyo. Tsk tsk tsk. Ganunpaman, ang sabi nga "It's better to love than not to love at all". At least me memories pa na nagpapakilig.Sayang lang talaga. Kung sana di ka nagpatalo sa insecurity na naramdaman mo. Kung sana nakainom ka lang ng likidong pampatapang at kung pwede lang tawagan si Hiro Nakamura para maibalik ang panahon, ginawa mo na. Cliche man, pero applicable talaga.."Time is gold nga naman." Anjan na kse pinalampas pa. Buweno, ang sabi naman sa gulong nga kapalaran, kung ikaw ay nasa casinohan, umiikot naman ang swerte. Malay mo ang bilang ng love luck sa yo ay kada isang dekada, malamang meron na ngayon. Ten years ago na kse di ba? Hmmm...malalaman natin yan at isa ako sa mga mag aabang. Tandaan mo lang, hwag mo ng pakakawalan pa, kundi...isang dekada na naman ulit, hehehhe.Remember me depreciation, wag pakaasa sa scrap value.

3 comments: