Earn by just clicking ads. Click Neobux

Earn by just clicking. Click Neobux! Also try Onbux

Tuesday, February 1, 2011

Quaipo at Cubao, Ilalim o Ibabaw?



Madalas nating maririnig. Oi bao,bao,bao,bao. Nawawala na nga ang Cu sa umpisa sa kaka shortcut ni kuya sa pagtawag ng mga pasahero. Sa Quaipo naman, iyy, Kyapeh peh peh peh,maluweg pe, maluweg pe. Iniipit pa ni Sig shortcut ng Segusmundo ang bibig nya, pa cute.Madalas akong nadadaan dito, malamang ikaw rin. Pero di mo ba napapansin na maihahalintulad din natin to sa buhay? Kagaya na lang ng kakilala kong si Ninoy (kamukha nya kse pag nakasalamin). Aba eh, sa umpisa, babako bako pa ang kalsada papunta sa bahay nila, carlift lang ni Carmen noon. Iba na ngayon, sa kagandahan din naman ng pagkakaroon ng diplomat visa eh, me panahon nga naman si parekoy makapaghanap ng magandang trabaho dito sa Qatar. Sa wakas, matapos ang buwang paghihintay natapos din ang kanyang paghihirap, kala nya wala na syang pag-asa. Nakowwww, Qatargas pa ang nasadlakan. Umexit sya, umuwi ng Pinas, para ma-issuehan ng working visa. Pagbalik, namula raw sya sa hiya dahil Al Maha..hmmm feeling Qatari ang lolo mo, di na dumaan sa immigration, super special ang pagdating. Sya pa naman daw ang pinakahuling lumabas, mantakin mong inuna pa. Mapapatingin ka talaga kung ksama ka. Abaaaa...sino gang kolokoy na itong nangunguna.Mukha namang Nepali. Akala nya ihahatid sya ng company driver sa bahay nila, sa Merweb Hotel ibinaba, bilin daw kse ng company  habang inaayos pa muna ang accommodation nya,e  sa Hotel muna sya stay. Ayunnnn..tsalapp buhay, naguluhan na tuloy ang anak nyang panganay kung bakit tatlo-tatlo ang bahay nya. Una, yung kanilang inuupahan, pangalawa,  Hotel, pangatlo, yung accommodation nya na talaga. Well, pag sinuwerte ka nga naman. H'wag kang mag-alala, ikaw na rin ang susunod na susuwertehen. Random lang daw kse, di ka pa lang napipickup. Pero alam nyo ba kung ano raw ang shortcut para suwertehen at magbilang ng blessings? Hmmmm , abangan, itutuloy.......

2 comments:

  1. Sana naman we could have that experience! Suki din naman ako ng Cubao Ibabaw noon eh! :D

    ReplyDelete
  2. Mismo! Depende daw kse kung gano karami ang experience, nakailan ka na ba Les? hehehhe

    ReplyDelete